Ang batang babae na si Jasmine Marie C. Bonio ay naiulat na nawawala noong isang araw January 10, 2024. Ang 17-year old na babae ay huling namataan sa tapat ng isang bakeshop na Metro Bread na kalapit ng lokal na terminal ng transportation system of Maco.
Sa social media post ng kamag-anak ni Jasmine Bonio na si Berelie Andrea Lequit, ibinahagi neto ang pagkakakilanlan ng bata. Ito daw ay nakasuot ng Yellow floral dress ng umalis ito at may dalang folder noong isang araw. Mula naman sa isang netizen na huling nakakita kay Jasmine Marie, ang nawawalang teenager ay diumanoy sumakay ng multicab patungong Tagum City at naiulat na bumaba sa Warehouse.
Isa sa staff ng DiversityHuman ay personal na nakausap si Berelie Andrea Lequit. Ayon sa kanya, si Jasmine Marie ay hindi raw ito sanay sumakay sa jeep ng mag-isa. Ang larawa sa loob ng multicab ay patunay neto dahil ang bata ay sadyang tumabi sa likod ng driver. Sa kasalukuyan ay naghihintay ang kaanak ni Jasmine Marie Bonio na umabot ng 24 hours para opisyal nilang maipa-blotter ang nawawalang bata sa mga polisya. Ibinigay rin sa staff namin ang mga larawan ni Jasmine Marie.
Kung sino man ang nakakita o nakakaalam sa kinaroroonan ni Jasmine Marie Bonio ay maari niyo pong i-message ang DiversityHuman pages o di kaya rekta ninyong i-message si Berelie Andrea Lequit sa kanyang Facebook account(https://www.facebook.com/ackuhsiberelie.ronolo). Maari din ninyong dalhin ang bata sa pinakamalapit na polisya para maipagbigay alam ang sitwasyon.
Si Jasmine Marie C. Bonio ay nakatira sa Langgam, Maco, Davao de Oro.
FINAL UPDATE: Nakita at naihatid na po si Jasmine Marie Bonio sa Maco, Davao de Oro.