Ayon sa isang netizen na nagpost ng naturang krimen sa social media, hinarang daw ng mga holdaper ang sinasakyan ng babae at walang atubiling tinutukan ng baril ang biktima sa kanyang tagiliran.
Ang nasabing insidente ay nangyari pagitan ng 6:50AM hanggang 7:15AM. Ang biktima ay diumano'y nakasakay sa sikat na bao-bao nang bigla itong harangan at sinunggaban ng mga di pa nakikilalang mga suspek. Dahil sa kaba ng biktima, agaran niyang ibinigay ang kanyang bag na naglalaman ng mahigit kumulang P35,000 na gagamitin sana niya para pambili ng bigas para sa kanyang tindahan.
Ang mga armadong suspek ay dali-daling umalis sa crime scene matapos makuha ang target na bag na naglalaman ng salapi ng negosyante.
Sa naturang post ng netizen, kinilala ang biktima na si Nikki Lanos Elesio. Ang nasabing negosyante ay nagpost sa social media ng "Cge Lang" matapos niyang i-share ang post ng netizen na nagbalita sa insidente sa social media.
Sa panahon ngayon, ibayong pag-iingat ay kinakailangan lalo na't marami ding gumagalang masasamang loob na naghihitay lang makatiyempo ng bibiktimahin.
Narito ang ilang mga tips upang maiwasan ang holdap:
-
Maging Mapagmatyag: Laging mag-obserba ng iyong paligid. Iwasan ang paggamit ng telepono o iba pang mga gadget na maaaring makapagpawala ng iyong atensyon.
-
Iwasan ang Madilim na Lugar: Kung maaari, dumaan sa mga mataong at maliwanag na lugar. Iwasan ang mga lugar na kilalang may mataas na insidente ng krimen.
-
Maglakad ng May Kasama: Kung maaari, laging may kasama kapag nasa labas, lalo na sa gabi.
-
Itago ang Mahahalagang Bagay: Iwasang magpakita ng mamahaling alahas, gadgets, o pera sa publiko. Itago ang iyong wallet o bag sa mga ligtas na lugar.
-
Mag-Ingat sa Pag-sakay: Kung sumasakay ka ng pampublikong sasakyan, siguraduhing alam mo ang mga alternatibong ruta at iwasan ang matagal na paghihintay sa mga hintayan na walang gaanong tao.
-
Pag-alala sa mga Emergency Numbers: Tandaan at itabi ang mga numero ng pulis, barangay, o iba pang mga emergency hotlines para sa mabilis na tawag sakaling mangailangan.
-
Maging Maingat sa mga Estranghero: Huwag basta-basta magtiwala o makipag-usap sa mga hindi mo kilala lalo na kung nag-aalok ng tulong o may hinihinging kapalit.
-
Tamang Posisyon ng Bag o Wallet: Kung ikaw ay naglalakad, ilagay ang iyong bag sa harapan o kaya’y yakapin ito upang hindi ito madaling makuha.
-
Planuhin ang Ruta: Iwasan ang mga shortcut na dumadaan sa mga liblib na lugar at planuhin ang iyong mga lakad sa mga lugar na madalas dumaan ang mga tao.
-
Personal Defense Tools: Magdala ng mga bagay na maaaring gamitin para ipagtanggol ang sarili tulad ng pepper spray, whistle, o iba pang ligtas na self-defense tools.
Palaging mag-ingat at ugaliing maging alerto sa anumang oras. Stay safe!