Because at the end of the day, UP pa rin ang panalo. And here's why...
Hindi yata napalabas toh sa TV pero habang nagdedeliberate ang judges, naglabas ang UP ng rainbow at pinagpasa-pasahan sa UP side ng Araneta. Matapos ang ilang sandali, narinig namin ang mga sigaw na palakas ng palakas, "IKOT! IKOT!" Na-gets namin agad.
Pinasa namin ang bahaghari sa Ateneo... sa FEU... sa UST... sa La Salle at paikot sa buong Araneta. At habang naroon sya sa isang school, sinisigaw ng UP crowd ang school cheer ng school na iyon. ( Go Uste! (3x) Go! (4x) )
Sa mga sandaling iyon nagawa naming ipalimot sa buong Araneta crowd na iba-iba kami ng iskwelahan at kulay, tuition fee at grading system. Sa mga sandaling iyon lahat kami nakahawak sa iisang bahaghari... pantay-pantay... na may iisang hangarin: Ipa-IKOT ang bahaghari.
Panalo tayo dahil satin ito nagsimula. Panalo tayo kasi iba ang liga natin. Front runners tayo. Game-changers. Dakilang pauso. Advocacy > Theme.
Balang araw malilimutan ang mga sayaw, props, tema ng iba't ibang pep squad, champion o 1st runner-up o 2nd runner-up man, pero hindi malilimutan ng mga tao na nandun kanina na sa isang UAAP CDC, may rainbow na umikot sa Araneta habang bumubuhos ang ulan sa labas. Hindi nila malilimutan na nagsimula ito sa Unibersidad ng Pilipinas.
Here's the UP Rainbow-Ikot viral video. Enjoy watching!