Christmas Message of our beloved President Benigno "Ninoy" Aquino III (December 2012)
President Ninoy Aquino III delivered his 2012 Christmas message to the Filipinos on December 21, 2012. We dissected his message to check if all ideas are appropriate or not. Our comments below are italicized.
Kilala tayong mga Pilipino sa pagkakaroon ng pinakamahabang pagdiriwang ng Kapaskuhan. Setyembre pa lang, nasasabik na ang lahat dahil sa mga aguinaldong kanilang tatanggapin, gayundin sa pagsasama-sama ng buong pamilya habang pinagsasaluhan ang Noche Buena. Subalit hindi maikakahon sa mga regalo, sa mararangyang salu-salo, o sa mga makukulay na palamuti ang tunay na diwa ng Pasko. (I like the last sentece/clauses. It's a good message to those people who thinks that Christmas is all about gifts and shopping. It is a reminder that Christmas is not all about the concept of consumerism. I hope everyone should also realize that there people who can't afford to buy anything at all. There are so many Filipinos who do not have anything to prepare on their table this Christmas. Try to read the article " A meaningless Christmas".)
Sa gitna ng ating mga pagdiriwang, lagi sana nating tandaan ang mga kuwentong bumubuo sa Kapaskuhan; ang pag-aalay ng Panginoon ng kaniyang bugtong na anak para tubusin ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Bahagi rin ng aral ng Kapaskuhan ang pagiging bukas-paladng isang estrangherong nagkusang pagbuksan ng pinto sina Jose’t Maria, at hinayaan silang magpalipas ng gabi sa munting sabsaban; na may tatlong haring nagsakripisyo’t hindi inalintana ang mahabang paglalakbay, maihatid lamang ang kanilang mga handog sa banal na sanggol. Ang okasyong ito, higit sa lahat, ay tanda ng wagas na pagmamahal ng Panginoon sa atin. (I hope this message would hit those people who believes that God does not exist. It's okay to watch Discovery Channel and NATGEO regarding the conspiracy theories about the existence of Jesus but we have to weigh things whether we are talking about the evidence of absence or absence of evidence. What if we only lack the proper means of quantifying our investigation results to prove or disprove the existence of God? There's no harm in believing that God exists.)
Pagkakataon ang Pasko para magpasalamat sa lahat ng biyayang ating natamasa. Sa ngalan ng buong pamahalaan, nagpapasalamat ako sa lahat ng Pilipinong nakiambag sa pagtatag ng kultura ng katapatan at malasakit sa kapwa. Dahil sa kakaibang pagsusumikap na ipinakita sa tuwid na daan, higit na nagiging makabuluhan ang Paskong Pilipino. Ang mga inisyatibang gaya ng Sitio Electrification Program, na ngayon ay nagbibigay-liwanag sa libu-libong pamilya, na dati’y nangangapa sa dilim: Kayo ang gumawa nito. Ang ating Conditional Cash transfer, na umaalalay sa ating mga kababayan tungo sa kinabukasang may saysay, malusog, at maunlad: Kayo rin ang gumawa nito. Ang pagtalikod natin sa negatibismo’t agam-agam, habang patuloy na lumalawak ang saklaw ng positibong pagtanaw, sa pamahalaan man o sa kalakhang lipunan: Kayo ang gumawa nito. Hindi pa rin nagbabago: Kayo ang lakas ng gobyerno. Malinaw po: Ang bawat butil ng tagumpay na ating inaani ay nagmula sa ipinunlang pagsusumikap ng sambayanan; Kayo po, ang aming mga Boss, ang gumawa nito. (Mr. President, I think this is not appropriate. Next year, DO NOT include this on your Christmas message. State of the Nationa Address (SONA) only happens once in a year.)
Lahat nang ito’y sumasalamin sa tunay na diwa ng Kapaskuhan: pagbibigayan, pagpapakumbaba, at pagmamahal sa ating kapwa.
Muli’t muli nating pinatutunayan sa mundo: Bukod tangi ang Paskong Pilipino dahil sa kahandaan ng bawat isang maging tanglaw sa kaniyang kababayan, hindi lamang tuwing Kapaskuhan, kundi sa araw-araw na pagbagtas sa tuwid na daan. (You can't find anything comparable to the Christmas celebration in the Philippines but I hope we are talking about the good ones. Christmas in the Philippines should not be all about firecracker accidents (e.g.last year around 200 people were reported injured as they welcomed 2012), police being caught firing his gun during the Christmas eve, etc. We don't like to see innocent citizens being harmed by stray bullets. We don't like to count dead Filipinos this holiday season.)
Isang maligayang Pasko po sa inyong lahat.
Disclaimers:
1. DiversityHuman.com is not promoting any type of religion or belief.
2. We are not PRO nor ANTI Ninoy Aquino administration. We only assess his performance and when we see good plans which he would like to implement to our country, WE WILL DEFINITELY SUPPORT our President.
MERRY CHRISTMAS PHILIPPINES!